Nagbitiw na chief of staff ni Mayor Isko Moreno kalusugan ang idinahilan, hindi awayan

By Jan Escosio October 13, 2021 - 08:25 PM

Ibinahagi ni Cesar Chavez, ang nagbitiw na chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na ang alok sa kanya na magbalik sa Manila Broadcasting Company, ang dahilan kayat iniwan na niya ang kapitolyo sa bansa.

 

Aniya noon pang nakaraang taon pa ang alok at hanggang nitong Marso ay sinabihan siya na naghihintay pa rin sa kanya ang posisyon sa  broadcasting company.

 

Bago mangampaniya si Domagoso para sa 2019 elections, nagbitiw si Chavez sa MBC para maging chief of staff ng una.

 

Pinabulaanan niya ang mga kumakalat na balita na hidwaan sa mga tao na nakapalibot kay Domagoso ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

 

Samantala, sinabi ni Domagoso na kalusugan at pamilya ang dahilan kayat bumitiw sa kanya si Chavez.

 

“Nagkaroon siya ng health reason, that’s one.  Two, he has to attend to his family, so ayaw kong nagi-interfere kapag pamilya na eh, syempre kaya ka nga naghahanap buhay dahil sa pamilya mo eh, and I respect that,” sabi nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.