COVID 19 vaccines sa Cagayan ligtas sa pananalasa ng bagyong Maring

By Chona Yu October 13, 2021 - 07:29 PM

Sa kabila ng matinding pananalasa ng bagyong Maring sa Cagayan, walang COVID 19 vaccines ang napinsala.

 

Ito ang tiniyak ni Col. Darwin  Sacramed, ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

 

Ayon kay Sacramed may stand-by power generators ang mga lokal na pamahalaan na maaring magamit sakaling mawalan ng suplay ng kuryente sa mga bodega kung saan nakaimbak ang mga bakuna.

 

Ibinahagi din nito sa Laging Handa public briefing na wala pa silang natanggap na ulat mula sa mga lokal na pamahalaan na may problema sa mga bakuna.

 

Naibalik na ang suplay ng kuryente sa lalawigan, maliban na lamang sa ilang barangay sa ilang bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.