Isko Moreno, hindi palulusutin ang mga kasalanan ng mga nagdaang administrasyon

By Chona Yu October 13, 2021 - 04:03 PM

Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na kapag siya ang magiging susunod na pangulo ng bansa hindi niya palalagpasin ang mga pagkakamali at kasalanan ng mga nagdaang administrasyon.

 

Paglilinaw naman niya na anumang hakbang na kanyang gagawin ay hindi dahil kaaway ang papanagutin kundi gusto lamang niya na mabigyan ng hustisya ang mga naagrabyado.

 

Iginiit din nito na hindi niya pinapaboran o kinakampihan ang pamilya Marcos sa kanyang naging pahayag sa sinabi ni Vice President Leni Robredo.

 

Pagdidiin niya ang pagtakbo niya sa 2022 elections ay walang kinalaman sa awayan ng mga pamilya ng mga pulitiko.

 

Paliwanag pa niya ang pag-‘move on’ ay hindi nangangahulugan na kakalimutan na ang mga maling nagawa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.