Inaasahan na maagang magtutungo sa mga sementeryo at libingan ang mga dadalaw sa puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Bunga nito, sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar na inatasan na niya ang field unit commanders na maglagay na ng police assistance desk sa mga libingan sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.
Ito aniya ay hindi lang para mapanatili ang kaayusan at seguridad, kundi para matiyak na masusunod ang minimum health protocols.
“We are expecting people to go to the cemeteries and memorial parks due to restrictions for Undas that include closure like in Metro Manila. That is why I have already tasked our unit commanders to set up police assistance desks in the entry points to control the number of people entering and to ensure that the health protocols are observed,” sabi ng hepe ng pambansang pulisya.
Tulad noong nakaraang taon, isinara ang mga pampubliko at pribadong libingan ilang araw bago ang Undas hanggang sa Nobyembre 2 para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.