P46M halaga ng mga ari-arian napinsala ng bagyong Maring sa Cagayan

By Chona Yu October 13, 2021 - 02:57 PM

PHILIPPINE COAST GUARD PHOTO

Aabot sa P46 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian nang manalasa ang bagyong Maring sa Cagayan.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Col. Darwin Sacramed, ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sa nabanggit na halaga, P35.2 milyon ay sa sektor ng agrikultura.

 

Samantalang, P11 milyon naman sa imprastraktura.

 

Ibinahagi niya na may P30 milyon pa silang stand-by fund at aniya taon-taon ay nagbibigay ng P500,000 sa mga barangay, samantalang P3 milyon sa bawat bayan sa lalawigan.

 

Ito aniya ay para mas maging mabilis ang pagtugon sa tuwing may kalamidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub