Bilang ng patay sa pananalasa ng bagyong ‘Maring’ umakyat sa 13

By Jan Escosio October 13, 2021 - 11:54 AM
PHILIPPINE COAST GUARD PHOTO

Lumubo sa 13 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Maring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

Sa update na inilabas ng NDRRMC, 6,111 pamilya na binubuo ng 21,511 indibiduwal ang naapektuhan ng nagdaang bagyo sa 237 barangay sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa at Cordillera Regions.

Sa bilang, 1,513 pamilya o 5,852 indibiduwal ang nasa 99 evacuation centers.

 

May 53 pagbaha naman ang naiulat sa mga nabanggit ng rehiyon dagdag pa sa Caraga at Western Visayas regions.

 

May 42 kalsada at apat na tulay ang hindi pa nadadaanan ng mga motorista, samantalang 109 bahay ang napinsala ng bagyo.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.