P9M halaga ng mga puslit na sibuyas at iba pang gulay natunton sa Valenzuela City

By Chona Yu October 13, 2021 - 10:37 AM

Pinuntahan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega sa Valenzuela City at nadiskubre ang smuggled na mga produktong-agrikultural na tinatayang aabot sa siyam na milyong piso ang halaga.

Isinagawa ang inspection sa bodega ng Morehouse Marketing sa Barangay Ugong base sa Letter of Authority mula kay Customs Comm. Rey Guerrero.

Sa loob ng bodega nadiskubre ang 8,000 sako ng sibuyas, carrots, luya at mung beans.

Magpapalabas ng warrants of seizure and detention ang kawanihan pagkatapos ng imbentaryo base sa Customs Modernization and Tariff Act at maging sa ilang regulasyon ng Bureau of Plant Industry.

Hindi na nabanggit sa pahayag ng BOC kung saan nagmula ang mga ipinuslit na gulay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.