Datos ng DSWD sa ‘cash aid’ magulo, puna ni Sen. Imee Marcos

Umaasa si Senator Imee Marcos na sa susunod na deliberasyon ng 2022 budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay magkakaroon na ng linaw ang datos ukol sa naipamahaging ayuda sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP).

Pinuna ni Marcos ang magkakaibang datos na inilatag ng DSWD ukol sa nailaan na pondo para sa cash aid sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2.

“Sobrang dami ng ating mga kababayan ang nagsasabi na hindi nila natanggap ang ayuda samantalang yung iba may dobleng natanggap. Ano ba talaga,” punto ng senadora.

Aniya kailangan na maipaliwanag ng DSWD ukol sa magkakaibang numero na galing sa kanila.

Diin ni Marcos na dahil sa pangamba na idinudulot ng Delta at iba pang variants ng COVID 19 kailangan ay ikunsidera ang posibilidad na mauulit ang pamamahagi ng cash aid na wala naman aniyang nailaan sa higit P5 trillion 2022 national budget.

“Paano mo naman dadagdagan ng bagong budget ang department kung di pa naayos ang lumang kuwenta,” diin ni Marcos.

Read more...