Pagbebenta ng ‘text blasters’ ipinatitigil ng NTC sa Facebook, Lazada at Shopee
Inutusan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Facebook, Lazada at Shopee, na huwag nang magbenta ng SMS blasting devices.
“The NTC has not authorized the importation, manufacture, sale/distribution, or type approval of the above-mentioned equipment,” ayon sa abiso ng NTC.
Kasabay nito ang pagpapalabas ng cease-and-desist order sa tatlong nabanggit na e-commerce platforms at sila ay pinahaharap sa komisyon sa Oktubre 27.
Paliwanag pa ng ahensiya, ang pagbebenta ng SMS blaster machines at mga katulad na gamit ay maaring paglabag sa Radio Control Law, gayundin sa NTC MO 01-02-2013 na nagbabawal sa portable cellular mobile repeater at portable cellsite equipment.
Una nang sinabi ng NTC na iniimbestigahan na ang pagpapadala ng emergency text alert na sinasabing pagkampaniya kay dating Sen. Bongbong Marcos nang maghain ito ng kanyang certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa presidential race noong nakaraang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.