Dating Sen. Bongbong Marcos sumaklolo sa mga naapektuhan ng bagyong Maring

By Jan Escosio October 13, 2021 - 09:50 AM

LGU SUYO

Nagpadala na si dating Senator Bongbong Marcos Jr., ng rapid-response teams sa Hilagang Luzon para magbigay tulong sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Maring.

 

Ayon kay Marcos, na tubong Ilocos Norte,  mamahagi sila ng relief goods at iba pang uri ng tulong sa mga biktima ng nagdaang kalamidad.

 

Aniya bukod sa mga pagkain at mga pangunahing pangangailangan, mamahagi din sila ng hygiene at COVID 19 standard kits.

 

“I have given instructions to activate our quick response teams in Manila and in key areas in Northern Luzon.  Our staff and volunteers have started shoring up our relief packs. Each team that will be dispatched will bring with them relief packs that will consist of rice, slippers, vitamins and KN95 face masks as a standard kit,” sabi nito.

 

Base sa ulat ng NDRRMC, lima sa siyam na napa-ulat na nasawi ay sa Benguet at Cagayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.