Kabayan Noli umatras na sa ‘senatorial race’

Wala pang isang linggo nang ihain ang kanyang certificate of candidacy (COC), inanunsiyo ni Noli ‘Kabayan’ de Castro ang pag-atras sa ‘senatorial race.’

 

Ibinahagi ng kilalang broadcaster na ang pagbabago ng kanyang isip ay nangyari matapos ang kanyang pagdarasal sa Poong Nazareno.

 

Kilalang deboto ng Itim na Nazareno ng Quiapo si de Castro.

 

‘Napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” sabi nito.

 

Pinasalamatan na rin niya si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pagtanggap sa kanya sa Aksyon Demokratiko.

Una nang tumakbo sa pagka-senador si de Castro noong 2001, ngunit hindi natapos ang termino nang manalo siya sa 2004 vice presidential derby.

Read more...