‘Maring’ lumayas na ng bansa, pag-ulan epekto ng habagat

Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Maring, ayon sa PAGASA.

 

Huling namataan ito sa layong 765 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan at patungo sa direksyon ng China.

 

Sinabi ni weather specialist Aldczar Aurelio pinaiibayo pa ng nagdaang bagyo ang habagat kayat magiging maulap at maulan sa malaking bahagi ng Luzon, maging sa Western Visayas.

 

Uulanin ang Occidental Mindoro at Palawan dahil sa habagat.

 

Ang panahon sa Metro Manila ay magiging maulap at maulan.

Read more...