Globe may libreng serbisyo sa mga apektado ng bagyong Maring

By Chona Yu October 13, 2021 - 08:32 AM

Agad nag-alok ang Globe Telecom ng libreng tawag, charging at wifi services sa mga Cagayanons na lubos na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Maring.

 

Ang mga naturang libreng serbisyo ay sa Barangay Ajat sa bayan ng Iguig, Barangay Poblacion sa bayan ng Gonzaga at Barangay Casambalangan sa bayan ng Sta. Ana.

 

Sinimulan kahapon ang pagtulong ng Globe at ito ay nagsisimula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.

 

Ayon pa sa Globe, nagpalabas na sila ng kanilang technical and support personnel para tiyakin na maayos ang operasyon ng kanilang mga pasilidad.

 

Ito ay upang matiyak na magagamit ang kanilang mga serbisyo ng kanilang mga subscribers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.