Metro Manila LGUs hinikayat na isara ang mga sementeryo at libingan sa Undas

By Jan Escosio October 13, 2021 - 07:56 AM

Inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon na humihikayat sa mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila na magpasa ng ordinansa o resolusyon para sa pagpapasara ng mga ng lahat ng mga pampubliko o pribadong libingan sa nalalapit na Todos los Santos.

 

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos napagkasunduan ng MMC na pagtibayin ang resolusyon na ipinatupad noong Undas ng nakaraang taon kung kailan isinara ng halos isang linggo ang mga libingan.

 

Ngayon taon, hinihikayat na isara ang mga libingan mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

 

Paalala pa ni Abalos lilimitahan sa 30 porsiyento ng kapasidad ng mga libingan ang mga bilang ng mga maaring dumalaw sa mga puntod sa partikular na oras.

 

Sabi pa nito, kailangan na mahigpit pa rin sundin ang minimum health protocols.

 

Kaugnay naman sa pagsasagawa ng burol, lamay at libing sa nabanggit na petsa, ayon kay Abalos, susundin pa rin ang alintuntunin ng Inter Agency Task Force (IATF).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.