DPWH, minamadali ang Bulacan Road Expansion Project

By Angellic Jordan October 12, 2021 - 09:17 PM
DPWH photo

Paspasan na ang pagsasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 24.61 kilometer Arterial Road Bypass sa probinsya ng Bulacan.

Base sa pinakahuling ulat, nasa 47.8 porsyento na ang overall accomplishment ng proyekto.

“We are trying to moved forward as quickly as possible to accelerate delivery of the widening from two (2) to four (4) lanes the entire alignment of Plaridel Bypass Road for this highway to keep up with the increasing number of vehicles,” saad ni DPWH Undersecretary Emil Sadain.

Makatutulong aniya ang road expansion project upang masolusyunan ang inirereklamong pagsisikip sa daloy ng trapiko dahil sa dumadaming sasakyan na dumadaan sa bypass road bilang alternatibong ruta sa Daang Maharlika Highway.

Samantala, nauna nang natapos ang pagpapalawak ng unang 2.22-kilometer section ng Arterial Plaridel Bypass Road kabilang ang isa sa mahahabang tulay sa Luzon sa Angat River sa Bustos, Bulacan sa ilalim ng Contract Package 3.

TAGS: BUILDBUILDBUILD, BulacanRoadExpansionProject, DPWH, InquirerNews, Konkreto2022, RadyoInquirerNews, BUILDBUILDBUILD, BulacanRoadExpansionProject, DPWH, InquirerNews, Konkreto2022, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.