Recto, Hontiveros sinabing dapat bigyan ng Senate Medal of Excellence si Maria Ressa
Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na makatuwiran lang na gawaran ng Senate Medal of Excellence si Nobel laureate Maria Ressa.
Ayon kay Recto, pasok sa lahat ng kondisyon sa Senate resolution ukol sa pagbibigay ng Medal of Excellence ang pagkakahirang kay Reesa bilang Nobel winner.
“But most important, it is the right thing to do. We cannot ignore an accolade which has been met with universal praise. Never has a Nobel winner been snubbed in his or her own homeland. Mga beauty contest placers, may pinapasa na resolution of commendation. Manalo sa boxing, may resolution of commendation. Tapos itong Nobel prize, dededmahin natin?” sabi ni Recto.
Inaasahan aniya niya na bibigyan pagkilala ng mga kapwa niya senador ang kilalang mamamahayag.
Samantala, si Sen. Risa Hontiveros ay inihain na ang Senate Resolution No. 927 para kilalanin ang Nobel Peace Prize ni Reesa.
Sabi pa niya, hindi na rin kailangang pagdebatehan o pagbotohan nilang mga senador ang pagbibigay ng Senate Medal of Excellence kay Reesa.
“Maria Ressa is the first ever Filipino Nobel Peace Prize winner. To purposely ignore this achievement would be to wash away an amazing victory of a Filipina from our history books. This is a chance for the Senate as an institution to show that it remains true to its values of free speech and genuine democracy,” diin ni Hontiveros.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.