‘Kamay na bakal’, panlaban sa Abu Sayyaf-Gordon

By Jay Dones May 05, 2016 - 04:43 AM

 

gordon-620x366Para kay dating Senador Richard Gordon, kailangan ng kamay na bakal upang maresolba ang serye ng mga kidnapping ng mga dayuhang bumibisita lamang sa bansa ng bandidong grupo na Abu Sayyaf.

Ito ang pahayag ni Gordon sa pagharap nito sa mga mamamamahayag ng Inquirer Group sa Meet Inquirer Multimedia Forum kahapon.

Ayon kay Gordon na chairman rin ng Philippine Red Cross at tumatakbo bilang senador, hindi dapat tinitigilan ng gobyerno ang pagtugis sa Abu Sayyaf Group at dapat ay may mga konkretong hakbang na ginagawa upang mapigilan ang kanilang pamamayagpag.

Kung hindi aniya, may posibilidad na mismong mga gobyerno na ng mga kidnap victims ang gumawa ng paraan upang ma-rescue ang kanilang mga kababayang nasa bingit ng kamatayan.

Ito aniya ay nagawa na noong 1970’s nang mismong ang Israel na ang nag-rescue sa kanilang mga citizens nang ma-hostage ang mga ito sa bansang Uganda.

Sa naturang insidente, nagmistulang ‘laughingstock’ o naging tampulan ng katatawanan ang Uganda dahil lumitaw na kinailangan pa na ibang bansa ang manghimasok upang resolbahin ang isang insidente ng hostage-taking.

Kamakailan, dalawang video ang inilabas ng Abu Sayyaf kung saan ipinapakita ang pagpugot nila ng ulo sa biktimang si John Ridsdel na isang Canadian.

Sa isa pang video, makikita naman ang pagsusumamo ng tatlo pang bihag na sina Robert Hall, Kjartan Sekkingstad at Marites Flor na tulungan sila na makalaya sa kamay ng bandidong grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.