Apat katao patay dahil sa Bagyong Maring

By Chona Yu October 12, 2021 - 10:17 AM

Patay ang apat katao matapos manalasa ang Severe Tropical Storm Maring sa Cagayan at Cordillera Administrative Region.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, isa ang namatay sa Cagayan habang tatlo ang namatay sa La Trinidad, Benguet.

Nabatid na tatlo sa mga nasawi sa La Trinidad ay pawang mga menor de edad na natabunan ng lupa dahil sa landslide.

Dalawa katao naman ang naiulat na nawawala.

 

TAGS: apat patay, Bagyong Maring, benguet, Cagayan, la trinidad, NDRMMC, apat patay, Bagyong Maring, benguet, Cagayan, la trinidad, NDRMMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.