Pinaghahandaan ng Pilipinas ang second round ng oral arguments sa The Hague, Netherlands kasunod ng desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal kaugnay ng kaso laban sa China.
Nais ng International Court ang karagdagang tanong ukol sa petisyon ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng maritime row sa South China Sea.
Una ng sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na may deliberasyon ang arbitral tribunal sa presentasyon ng Pilipinas.
Sa nakalipas na dalawang araw ay iginiit ng bansa ang pwersahang paglabag ng China sa International Law dahil sa reklamasyon nito sa West Philippine Sea.
Inilatag din ng delegasyon ng Pilipinas ang environmental at fishing claims ng gobyerno sa rehiyon.
Samantala, sa hiwalay na pahayag ay ‘welcome’ sa palasyo ang suporta ng mga kritiko, gaya ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison, sa kaso ng Pilipinas laban sa China.
“Nasa iisang panig tayo dahil ang nakataya ay ang mismong soberenya at karangalan ng bansa,” Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma./ Len Montaño