P50-M halaga ng imported goods, nasamsam ng BOC
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P50 milyong halaga ng imported goods sa Meycauayan, Bulacan.
Sumugod ang mga elemento ng Manila International Container Port- Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS), Intelligence Group, at Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana sa isang warehouse na pag-aari ng Elite Globus Primeholdings Corp. sa bahagi ng Bahay Pare Road, Sitio 4, Barangay Bahay Pare.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakadiskubre ng 2,000 selyadong sako ng imported na pulang sibuyas at ilang kahon ng frozen seafood, cosmetic at health products na walang approval mula sa Food and Drug Administration (FDA), ilang infringing goods, at iba pang household goods.
Samantala, para sa agricultural at household products, binigyan ang may-ari ng warehouse ng 15 araw upang makapagprisinta ng katibayan ng pagbabayad ng duties at buwis, sa ilalim ng Section 224 ng Republic Act No. 10863 (CMTA).
Pansamantalang naglagay ng Customs seals at padlocks sa naturang warehouse.
Nagsasagawa na rin ng inventory ang Customs examiner.
Kapag nabigong makapagpakita ng importation documents ang may-ari ng warehouse, kukunin ang imported agricultural at household goods sa bisa ng Section 1113 dahil sa paglabag ng Sections 117 at 118 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.