Insentibo para sa mga magpapabakuna, mas mabuti kaysa sa raffle ng DOH – Salceda

October 11, 2021 - 07:00 PM

Sa halip na pa-raffle para sa mga bakunado, nais ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagbibigay ng vaccination allowance at mas maayos na proseso ng vaccination registration.

Saad ng mambabatas, higit na makakapanghikayat sa mga Pilipinong magpabakuna ng COVID-19 vaccine.

Hindi problema ang posibilidad na may mananalo sa pa-raffle ng Department of Health (DOH) para sa mga bakunado ngunit ang problema ay partikular sa mga ordinaryong manggagawa na kailangang lumiban sa trabaho para makapagpabakuna.

Kapag nag-absent sa trabaho ang isang manggagawa para magpabakuna, wala itong makukuhang sweldo lalo na sa mga “no work, no pay”.

Punto pa ng kongresista, mahalagang mapalitan ang araw na nawalang kita sa isang manggagawa dahil kahit may pakulong pa-raffle para mahimok ang mga taong magpabakuna, ang isang araw na walang sahod ay malaking kawalan na sa isang ordinaryong mamamayan.

Nauna nang inirekomenda ni Salceda na bigyan ng vaccine incentive katumbas ng sahod ng isang araw na minimum wage ang mga magpapabakuna.

Inihalimbawa pa nito ang Davao City na nagbibigay na ng ganitong insentibo sa mga nagpapabakuna.

TAGS: InquirerNews, JoeySalceda, RadyoInquirerNews, InquirerNews, JoeySalceda, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.