Actor Jake Cuenca inasunto sa ‘hit and run incident’ sa police car

By Jan Escosio October 11, 2021 - 06:01 PM

Sinampahan ng reckless imprudence resulting in damage to property at disobedience to persons in authority ang aktor na si Jake Cuenca.

Kaugnay ito sa pagkakabangga ni Cuenca sa isang police patrol vehicle at barrier sa Silangan street sa Barangay Barangka Ibaba, Mandaluyong City alas-8:30 noong Sabado ng gabi.

Ang mga asunto laban sa 33-anyos na aktor ay inihain sa City Prosecutors Office.

Sa ulat, nabangga ni Cuenca ang sasakyan ng mga pulis at tinangka nitong tumakas.

Sa paghabol sa kanya, binaril ang gulong ng kanyang sports utility vehicle (SUV) kayat napilitan na siyang huminto.

Isang delivery rider naman ang tinamaan ng bala mula sa pulis kayat ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar ipinalagay niya sa ‘restrictive custody’ ang mga sangkot na pulis para sila ay maimbestigahan din para sa disciplinary actions.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.