Sen. Leila de Lima nagbigay pugay sa mga senior citizens

 

Sa paggunita sa bansa ng Elderly Filipino Week, binigyang-pugay ni Senator Leila de Lima ang mga nakakatandang populasyon ng bansa.

Sinabi ni de Lima napakahalaga ng mga kontribusyon ng senior citizens sa paghulma sa mga kabataan ngayon para sila ay maging responsableng mamamayan.

Aniya layon naman ng paggunita ng Senior Citizens Week ay madagdagan ang kamalayan ng lipunan ukol sa mga isyu na may kinalaman sa mga nakakatandang populasyon ng bansa.

Nanindigan din si de Lima na patuloy niyang itataguyod ang karapatan at isusulong ang kapakanan ng mga senior citizens, bukod sa pagtitiyak na maririnig ang boses ng mga ito.

“Bilang mambabatas, na isa na ring senior citizen, tuloy-tuloy ang pagsisikap nating tukuyin at tugunan ang pangangailangan ng mga kasama natin sa sektor na ito,” pagtitiyak ng senadora.

Sinabi pa nito na itutulakd niya ang Senate Bill No. 1973 o ang Abot-Kayang Gamot, Bitamina at Gatas para sa Malsuog na Senior Citizens Act.

Paliwanag ng senadora layon ng panukala na mapalawak ang saklaw ng 20 percent discount sa mga seniors sa gamot, supplements, vitamins, gatas at maging herbal products.

Read more...