12,159 bagong COVID 19 cases naitala ng DOH

Nadagdagan ng 12,159 ang kaso ng COVID 19 sa bansa, ayon sa anunsiyo ng Department of Health (DOH) ngayon gabi.

Sa 7:30pm case bulletin, may 27,727 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling, samantalang 119 naman ang namatay.

Sa 53,880 na sumailalim sa COVID 19 tests noong nakaraang Biyernes, 15.9 porsiyento ang nag-positibo sa sakit.

Sa kabuuang 2,666,562 naitalang kaso sa bansa simula noong nakaraang taon, may 90,927 o 3.4 porsiyento ang aktibong kaso.

At 88.4 porsiyento sa kanila ang nakakaranas ng mild symptoms at asymptomatic.

Samantala, 95.1 porsiyento naman o 2,536,011 ang gumaling na at bilang ng mga namatay sa sakit ay 39,624.

Read more...