918,450 doses ng Pfizer COVID 19 vaccines dumating
Nadagdagan muli ng 918,450 doses ang suplay ng Pfizer – BioNTech COVID 19 sa bansa.
Alas-4:15 kaninang hapon nang lumapag sa NAIA Terminal 3 ang mga bakuna sakay ng Emirates flight EK 332.
Sa kabuuan, higit 11.7 million doses ng donasyong Pfizer vaccine ang dumating sa bansa bukod pa sa 8.1 million doses sa 40 milion doses na binili ng gobyerno.
Muli din pinasalamatan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., ang gobyerno ng Amerika sa mga karagdagang bakuna.
“We’re really thanking the US for their act of generosity and compassion for the Philippines and we are very thankful that October, they have already rolled out a lot of vaccines for the deliveries. We are really thankful that our 100 million target will be achieved, considering that we have a faithful ally that really wnated to help us in this time of need,” sabi ni Galvez.
Kasama din sumalubong sa Pfizer vaccines si Heather Variava, ang Chargé d’Affaires sa US Embassy sa Maynila.
Bukas ng hapon, inaasahan ang pagdating pa ng 924,300 doses ng Pfizer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.