88,000 katao inilikas dahil sa matinding wildfire sa Canada

 

Umaabot sa 88,000 residente ng Fort McMurray sa Alberta, Canada ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa matinding ‘wildfire’ na umiiral hanggang sa kasalukuyan.

Libu-libong residente ang na-stranded habang lumilikas dahil sa kakapusan ng suplay ng gasolina sa naturang lugar na dulot ng pagsasara ng mga gasolinahan sa lugar.

Ayon sa mga otoridad, nasa 80 porsiyento ng Fort McMurray ang naabo na resulta ng sunog.

Bukod sa mga residente, apektado rin ang mga oil sands facilities sa rehiyon.

Bagamat hindi direktang tinamaan ng wildfire, naapektuhan din ang mga pasilidad dahil sa lawak ng usok at init na idinudulot nito.

Dahil dito napilitan ang pamunuan ng minahan na pansamantalang iparasa ang mga pasilidad.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 7,500 ektarya ng lupain at kabundukan ang naabo sanhi ng wildfire.

Problemado pa rin ang mga otoridad dahil sa kabila ng kanilang mga hakbang ay nagpapatuloy pa rin ang apoy dulot ng mainit na temperatura.

Read more...