Tropical Depression Maring at Nando nagsasanib puwersa

Napanatili ng Tropical Storm Maring ang lakas habang nakikipagsanib puwersa sa Tropical Depression Lando.

Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng Tropical Storm Maring sa 745 kilometers east ng Catarman, Northern Samar 0 840 kilometers east ng Southern Luzon.

Taglay ng Tropical Storm Maring ang hangin na 85 kilometro kada oras at pagbugso na 105 kilometro kada oras.

Kumikilos ang Tropical Storm Maring sa eastward direction sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Samantala, bahagyang humina ang Tropical Depression Nando habang nakikipag-interact sa Tropical Depression Maring.

Namataan ang Tropical Depression Nando sa 895 kilometers eastng Central Luzon.

Taglay ng Tropical Depression Nando ang hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.

 

Read more...