CoC filing, generally peaceful; paglabag sa health protocols kinunsinti – PNP chief
Naging maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang walong araw na paghahain ng mga certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA), ayon sa pambansang pulisya.
Ngunit, pinuna ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang kawalan ng disiplina ng mga taga-suporta ng mga kandidato na nagresulta sa paglabag ng health protocols.
Sinabi pa ni Eleazar na tila kinunsinti pa ng mga kandidato ang kanilang mga tagasuporta.
“Nakakalungkot lamang na sa kabila ng ating paulit-ulit na pakiusap marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi sumunod sa mga patakaran ng Comelec at pamahalaan tungkol sa public health safety at nakakalungkot din na tila hinayaan ito ng mga sinusuportahan nilang kandidato,” himutok ni Eleazar.
Ngunit pinuri at pinasalamatan naman ng hepe ng pambansang pulisya ang kanyang mga opisyal at tauhan dahil sa pagsunod sa maximum tolerance policy sa kabila ng mga paglabag ng mga tagasuporta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.