11,010 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

By Chona Yu October 09, 2021 - 05:55 PM

 

Aabot sa 11,010 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Oktubre 9, 2021.

Ayon sa Department of Health, nasa 2,654,450 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Sa naturang bilang, 2,508,387 ang bilang ng mga gumagaling.

Nasa 106,558 ang aktibong kaso.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.0% (106,558) ang aktibong kaso, 94.5% (2,508,387) na ang gumaling, at 1.49% (39,505) ang namatay.

Nasa 273 na naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi ngayong araw.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 7, 2021 habang mayroong dalawang  laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

 

TAGS: COVID-19, doh, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.