Dagdag benepisyo sa mga guro na magsisilbing BEI, isinusulong ni Marcos

 

Humihirit si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pamahalaan na bigyan ng karagdagang insentibo ang mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) sa 2022 national elections.

Ayon kay Marcos, hindi kasi biro ang kahaharaping trabaho ng mga guro sa eleksyon.

“Matindi ang susuungin na peligro ng mga teachers natin sa paparating na halalan. Mas marami ang inaasahang boboto at pahahabain rin ang oras ng pagboto.  Ang lahat ng ito ay sapat na dahilan upang bigyan rin natin sila ng benepisyong kahalintulad ng SRAs para sa mga medical frontliners,” pahayag ni Marcos.

Mahabang oras aniya ang gugugulin ng mga guro masiguro lamang na mababantayan ang boto.

“Mas malalantad sa peligro ang mga guro natin sa 2022 elections dahil bukod sa inaasahang mas marami ang botante, inaasahang dadagdagan rin ang oras ng pagboto,”  dagdag ni Marcos.

“Mangangahulugan lamang na tataas ng more than 100% ang exposure at peligro na pagdaraanan ng ating mga guro,” dagdag ni Marcos.

Ayon kay Comelec Chair Sheriff Abas, nasa 63 milyon ang botante sa susunod na eleksyon.

 

Read more...