Bicol International Airport bahagi ng Duterte Legacy na Golden Age of Infrastructure

By Chona Yu October 09, 2021 - 04:08 PM

Aabot sa 755 na trabaho ang naibigay ng pamahalaan nang itayo ang Bicol International Airport sa Daraga, Albay.

Ayon kay Senador Bong Go, ang BIA ay bahagi ng legasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na Golden Age of Infrastructure.

“Kahit sa gitna ng pandemya, nananatiling nagsusumikap ang ating pamahalaan para ipagpatuloy ang mga mahahalagang proyekto sa ating komunidad,” pahayag ni Go.

“Ito ay patunay ng malasakit at dedikasyon ng Duterte Administration sa paglilingkod sa buong taumbayan. Sisiguraduhin nating walang maiiwan sa ating pagbangon mula sa krisis,” dagdag ng Senador.

Inaasahang 1,100 na dagdag na trabaho ang maibibigay kapag naging operational na ang BIA.

Nabatid na ang BIA ay mayroong 2,500-meter runway na mayroong take-off capabilities at night landing, cargo at passenger terminal, air traffic control tower, fire station, parking lot, at amenities.

“Hindi po natin nakakalimutan isama ang Bicol Region sa Golden Age of Infrastructure ng ating bansa,” pahayag ni Go.

“Tiyak po ako na ang bagong pasilidad na ito ay makakatulong sa paglago sa Bicol, lalo na sa sektor ng turismo habang dahan-dahan nating binubuksan ang ating ekonomiya,” dagdag ng Senador.

 

 

 

 

TAGS: Albay, Bicol International Airport, Daraga, Golden Age of Infrastructure, Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, Albay, Bicol International Airport, Daraga, Golden Age of Infrastructure, Rodrigo Duterte, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.