Higit 500 kawani sinibak, sinuspindi, na-reshuffle sa anti-corruption drive ng BOC

Umabot sa 567 kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang nasapul ng anti-corruption campaign ng ahensiya simula noong Enero hanggang noong nakalipas na buwan.

Sa naturang bilang, tatlo ang tinanggal na serbisyo, may 12 na sinuspindi, anim ang napagsabihan, anim ang naalis sa puwesto, bukod sa 543 na na-reshuffle dahil sa mga ilegal na aktibidad.

Bukod pa din dito, 126 kawani ang inimbestigahanng BOC – Customs Intelligence and Investigation Service na nagresulta sa paghahain ng mga kasong administratibo sa BOC – Legal Service.

May 57 kaso naman ang ipinadala na sa NBI at may isa na isinumite sa Ombudsman.

May 516 show-caused orders din ang inisyu sa mga kawani simula noong Enero.

 

Read more...