Resulta ng RITM probe sa ‘false positive results’ ng COVID 19 tests ng Red Cross ilalabas na

By Jan Escosio October 09, 2021 - 02:27 PM

Sa darating na Lunes, Oktubre 11, malalaman na ang resulta ng ginawang pag-iimbestiga ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ukol sa ‘false positive’ results ng COVID 19 tests ng PhilippineRed Cross (PRC).

Ito ang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque at aniya nagsagawa ng assessment at evaluation ang RITM sa mga resulta na mula sa PRC sa Subic Bay.

Magugunita na noong Setyembre 21, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa DOH na imbestigahan ang mga reklamo ng ‘false positive results’ na inilalabas ng PRC.

Ngunit, sinabi na rin ng DOH na posible na magkaiba ang resulta sa iisang specimen na kinolekta nang hindi sabay.

Depende din aniya ang resulta sa pre-analytical, analytical at post analytical phases ng test.

Sinabi naman n ani DOH spokesperson Ma. Rosario Vergeire na regular ang ‘quality assurance’ checks sa mga laboratoryo sa bansa para matiyak na ‘aacurate’ ang nailalabas na resulta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.