Duterte-Marcos, inendorso ng INC

By Inquirer, Jay Dones May 05, 2016 - 03:23 AM

 

duterte-marcosSina Davao City Mayor at presidential bet Rodrigo Duterte at Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tumatakbo sa pagka-bise presidente ang inendorso ng Iglesia Ni Cristo sa May 9 elections.

Ito ang inanunsyo ng INC sa circular na binasa ng kanilang executive minister na si Eduardo Manalo sa kanilang lingguhang ‘worship service’ kahapon.

Tinukoy pa ng executive minister ng Iglesia ang isang bahagi ng Bibliya na nagsasabing mahalaga ang iisang boses upang mapatatag ang kanilang samahan na aniya’y isa sa mga turo ng Diyos.

Bukod sa dalawa, inendorso rin ng INC ang mga senatorial candidates na sina Joel Villanueva, Franklin Drilon, Ralph Recto, Vicente Sotto III, Manny Pacquiao, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian, Francis Tolentino, Miguel Zubiri, Panfilo Lacson at Martin Romualdez.

Ang mga ‘sample ballot’ aniya na naglalaman ng kanilang mga susuportahang kandidato kabilang na ang mga pangalan nina Duterte at Marcos ay ipapadala sa bawat miyembro ng kanilang samahan baogo ang mismong araw ng halalan.

Una rito, lumutang ang balita noong nakaraang linggo na si nakuha ni Marcos ang suporta ng INC ngunit kalaunan ay kanya itong itinanggi.

Kilala ang INC sa kanilang bloc voting, o pagboto sa isang partkular na kandidato na naayon sa utos ng kanilang liderato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.