P1 milyong pa-raffle ng Wil To Play aarangkada sa October 10

By Chonaa Yu October 09, 2021 - 11:29 AM

May handog pa-premyo ang Wil To Play sa October 10.

Ang Wil To Play ay mobile game arcade ng TV host na si Willie “Kuya Wil” Revillame.

Nabatid na simula sa October 10, magpapa-raffle ang Wil To Play ng P10,000 kada araw.

Sampung araw na gagawin ang raffle.

Bukod sa P10,000 pa-premyo, magbibigay din ang Wil To Play ng ‘Kailangan Package’ na naglalaman ng isang sako ng bigas, groceries at iba pang pangunahing pangangailangan, ‘Kasiyahan/Kaalaman package’ motorsiklo, food cart, tricycle, at iba pa.

Sa kabuuan, nasa P1 milyong halaga ang mga ipara-raffle.

Kinakailangan lamang na i-download ang Wil to Play sa Google Play Store.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang WilToPlay.com o facebook.com/WilToPlay.

 

TAGS: Wil To Play, willie revillame, Wil To Play, willie revillame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.