Sen. Ping Lacson, SP Tito Sotto nagkasundo na hindi sasawsaw sa ‘maduming’ kampaniya

By Jan Escosio October 09, 2021 - 11:26 AM

Ibinahagi ni Senate President Vicente Sotto III na nagkasundo sila ni Senator Panfilo Lacson na hindi sila magbibigay ng komento ukol sa mga kapwa kandidato sa 2022 elections.

Si Lacson ay tatakbo sa pagka-pangulo at running mate niya si Sotto.

“Senator Lacson and I have already agreed na kahit sino pa ang tumakbo wala kaming pakialam. We are set on our goal and our offer to the people. We are set on our programs we want,” sabi niya.

Diin ni Sotto, ang mentalidad nila ni Lacson sa pangangampaniya ay ilatag sa sambayanan ang kanilang mga programa at bigyan kasiguruhan na matutupad nila ang mga ito kapag sila ang nahalal sa papadating na eleksyon.

Sinegundahan naman ito ni Lacson at aniya ang ilalatag nil ani Sotto ay ang kanilang mga nagawa, kakayahan at gagawin.

“We will rise on our merits and not to comment on our political rivals in the May 2022 elections,” sabi nito at tiniyak niya na hindi sila sasali sa palitan ng mga insult at akusasyon sa pangangampaniya.

Ito rin aniya ang nais niyang gawin ng kanilang mga tagasuporta.

“We’d rather be on the side of the Filipino people,” diin nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.