Kasunod ito ng paglabas ng video ng pagpugot sa bihag ng bandidong grupo na si John Ridsdell at ang pagbabanta nito kay Pangulong Aquino.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, una nang binalaan ni Pangulo ang Abu Sayyaf pati na ang mga nagkakanlong dito na ang buong pwersa ng pamahalaan kontra sa bandidong grupo.
Nananatili aniya na prayoridad ng gobyerno ang pagligtas sa mga bihag at ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga sibilyan.
Siniguro din aniya ni Pangulo na hindi ititigil ang operasyon ng puwersa ng gobyerno hangga’t hindi nawawakasan ang banta ng bandidong grupo sa mga komunidad sa Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES