Asawa ni Ara Mina na si Dave Almarinez, kakandidatong kongresista ng San Pedro, Laguna

By Chona Yu October 09, 2021 - 11:07 AM

Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura para sa pagka-kongresista ng San Pedro, Laguna si Dave Almarinez, asawa ng aktres na si Ara Mina.

Todo suporta ang “Ang Probinsyana” aktres nang maghain ng Certificate of Candidacy ang kanyang asawa sa Comelec Provincial Office ng Laguna.

Mainit na tinanggap ng kanyang mga taga-suporta ang kandidatura ni Almarinez. Siya ay inaasahang “heavy favorite” sa darating na halalan dahil siya ay consistent No. 1 na bokal sa unang distrito sa tatlong pagkakataon.

“Opisyal ko pong inihahayag ang aking pagtakbo bilang Lone District Representative ng San Pedro Laguna. Nais ko pong maging bahagi ng kasaysayan at makaambag sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga kapwa ko taga San Pedro Laguna,” ani Almarinez.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng sariling kongresista ang San Pedro bilang isang Lone District sa 2022.

Ito’y matapos isabatas ang RA 11395 na naghihiwalay sa dalawang syudad ng Santa Rosa City at San Pedro na bumubuo ng unang distrito.

TAGS: Ara Mina, Dave Almarinez, Kongresista, laguna, San Pedro, Ara Mina, Dave Almarinez, Kongresista, laguna, San Pedro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.