Sen. Bong Go sinabing dapat mag-trabaho muna  ang mga kandidato sa 2022 elections

By Jan Escosio October 09, 2021 - 11:05 AM

 

Ngayon tapos na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) ng mga kandidato, hinikayat ni Senator Christopher Go ang mga kakandidato sa 2022 national at presidential elections na mag-trabaho muna.

Kasabay nito, tiniyak ni Go na gagampanan niya ang kanyang mga trabaho bilang senador kahiit siya ang vice-presidential candidate ng PDP – Laban.

Diin niya, sa Pebrero pa naman ang simula ng pangangampaniya kayat mahalaga na ipagpatuloy ng mga opisyal ang pagta-trabaho lalo na sa pakikipagharap sa pandemya dulot ng COVID 19.

“Lahat naman tayo. Kung sino po ‘yung may trabaho pa, ‘yung mga elected diyan na hindi naman considered resigned, magtrabaho muna tayo. ‘Yung iba naman po kahit na resigned kayo, kung gusto niyo makatulong, magtrabaho muna tayo dahil baka wala tayong pulitikang pag-uusapan kung hindi natin malalampasan ito,” pagpupunto ng senador.

Diin niya kung puro pulitika ang aasikasuhin at maisasantabi ang pakikipaglaban sa COVID 19, baka mahirapan muli ang sistemang pangkalusugan sa bansa dahil sa paglobo muli ng bilang ng mga may sakit.

“Sa mga kapwa ko kandidato, kapakanan ng Pilipino ang unahin natin lalung-lalo na ngayon naghihirap tayo. Malampasan muna natin itong krisis na ito. ‘Pag nalampasan natin sa susunod na taon, kumbati na tayo,” dagdag pa ng senador.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.