Barako ng Maynila General Elmer Jamias kakandidatong mayor ng Manila

By Chona Yu October 09, 2021 - 10:52 AM

Naghain na ng kandidatura sa pagka-mayor ng Manila si dating Police General Elmer Jamias o mas kilala bilang Barako ng Maynila.

Plataporma ni Jamias, ituloy ang mga programang nasimulan  ni Manila Mayor Isko Moreno.

Halimbawa na ang paglaban sa korupsyon at pagkakaroon ng transparency sa gobyerno.

Ayon kay Jamias ang mahigit tatlong dekadang serbisyo sa pambansang pulisya ang kanyang sandalan para mapagsilbihan ang mga taga-Manila.

Naniniwala si Jamias na hindi matatawaran ang kanyang malinis na record.

Sinabi pa ni Jamias na kaya siya tumakbong mayor ng Manila dahil na rin sa kahilingan at paniniwala  sa kanyang kakayahan na mapagsilbihan ang mga residente sa lungsod.

Tatakbo si Jamias sa ilalim ng Peoples Reform Party na partido ng namayapang si Senador Miriam Defensor Santiago.

Si Jamias ay nahirang na Outstanding Manileno noong 1999.

Naisapelikula rin ang buhay ni Jamias na Barako ng Maynila noong 2000.

 

TAGS: Barako ng Maynila, elmer jamias, Isko Moreno, Mayor, Barako ng Maynila, elmer jamias, Isko Moreno, Mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.