Planong pagtakbo ni Sen. Bato dela Rosa matagal ng plantsado sa PDP – Laban
Election strategy ayon kay Senator Ronald dela Rosa ang ‘last minute filing’ ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-pangulo.
Itinuro ni dela Rosa ang PDP – Laban na nagdesisyon sa kanyang pagtakbo.
“Matagal na pero itinatago lang naming, iyan yung diskarte na para, kasi kung maaga ka magbalita ah wala tirahin ka kaagad,” sabi ni dela Rosa.
Sinabi nito na pangarap talaga niya maging pangulo ng bansa.
Kaugnay naman sa mga pagdududa na bahagi lang din ng plano ng ruling party ang pagtakbo ni dela Rosa ngunit bago ang November 15 deadline ay papalitan din siya ni Davao City Mayor Sara Duterte, ayon sa senador handa siyang magbigay daan sa anak ni Pangulong Duterte.
“Eh di mas maganda,” ang sagot ni dela Rosa ukol sa posibleng pagpalit sa kanya ng presidential daughter.
Ngunit pag-amin ni dela Rosa na hindi miyembro ng PDP-Laban si Duterte, kundi ng regional party na Hugpong ng Pagbabago.
Pagdidiin pa niya na hindi desperadong hakbang ng PDP Laban na patakbuhin siya dahil aniya 19 milyong Filipino ang bumoto sa kanya noong 2019 senatorial election.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.