Pagbakuna sa mga menor de edad magsisimula na sa Oktubre 15

By Chona Yu October 08, 2021 - 12:02 PM

Aarangkada na sa susunod na Biyernes, Oktubre 18, ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataan.

 

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, gagawin ang pediatric vaccination sa National Children’s Hospital  at Philippine Heart Center, Fe del Mundo Medical Center , pawang nasa Quezon City; Pasig City Children’s Hospital sa Pasig City;  Philippine General Hospital sa Maynila; Makati Medical Center sa Makati City St. Luke’s Medical Center sa Taguig City; at Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.

 

Ayon kay Roque, ang rollout sa mga ospital ay by age group na 15 – 17 anyos at 12 – 14 anyos.

 

Sa ngayon nasa mahigit 48 million doses na ng total vaccines ang na-administer, base  sa National COVID-19 Dashboard.

 

Sa Metro Manila, nasa 16,317,106 doses ang naiturok na.

 

Samantala, sa kabuuang bilang, 22,657,351 ang fully vaccinated na sa bansa.

TAGS: Jan Escosio, Jan Escosio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.