Sen. Win Gatchalian itutuloy ang nasimulan sa Senado, ex-Sen. Trillanes at Kabayan Noli naghain din ng COC

By Jan Escosio October 08, 2021 - 11:43 AM

 

Sa huling araw ng paghahain ng ng certificate of candidacy (COC), nagdesisyon si Senator Sherwin Gatchalian na subukan na muling makakuha ng anim na taon sa Senado.

“Marami pang mga nakabinbing trabaho na kailangang pagtuunan ng pansin. Naniniwala akong mas kailangan ako sa lehislatura upang magbalangkas at magtulak ng mas marami pang mga batas patungo sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic,” sabi ni Gatchalian.

Isa sa kanyang mga nabanggit ay itutuloy niya ang mga nasimulang hakbangin upang magbalik sa normal ang sistemang pang-edukasyon sa bansa.

Samantala, magtatangka si dating Sen. Antonio Trillanes IV na makabalik sa Senado.

Sa paghahain niya ng kanyang certificate of candidacy (COC), sinabi ni Trillanes na tatakbo siya sa ilalim ng tiket ni Vice President Leni Robredo.

Matapos naman ang mahigit isang dekadang pagkawala sa pulitika, nais makabalik ni Noli ‘Kabayan’ de Castro sa pamamagitan ng Senado.

Nahalal noong 2004 bilang bise-presidente si de Castro matapos pangunahan ang senatorial race noong 2001.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.