Trillanes tuma-tanggap ng suhol ayon sa dating kasamahan sa Magdalo

By Den Macaranas May 04, 2016 - 09:24 PM SHARE(S):
Faeldon1
Inquirer file photo

Binasag na ni dating Marine Capt. Nicanor Faeldon ang kanyang katahimikan makaraang lumabas sa ilang social media site ang kanyang pahayag laban kay Sen. Antonio Trillanes.

Sa isang media forum na dinaluhan din ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, sinabi ni Faeldon na noong 2004 ay personal nang niyang nakita na tumanggap ng pera mula kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos si Trillanes.

Kasama umanong dumalaw ni Marcos kay Trillanes ang kanyang anak at ang staff ng mambabatas na si Atty. Reynaldo Robles habang nakakulong ang Senador sa Headquarters ng Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa loob ng Camp Aguinaldo.

Sa kanyang salaysay sa harap ng mga miyembro ng media, isang kahon ng cake na puno umano ng pera ang tinanggap ni Trillanes.

Nang makaalis ang grupo ni Marcos, sinabi ni Faeldon na kaagad niyang kinompronta si Trillanes sa kanyang ginawang pagtanggap ng pera at mula noon ay dumistansya na siya sa mambabatas.

Naniniwala rin si Faeldon na dating kasama ni Trillanes sa Oakwood at Manila Pen mutiny na may nagpapaikot kay Trillanes para siraan si Duterte kapalit ng malaking halaga ng salapi.

Ibinunyag din ni Faeldon na noong 2007 ay tumanggap din si Trillanes ng malaking halaga mula kay Sen. Jinggoy Estrada pero hindi na niya inalam kung ano ang nabbing transaksyon ng dalawa.

Para patutuhanan ang kanyang mga ibinunyag, hinamon ni Faeldon si Trillanes na humarap sa kanya nang magka-alaman na kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagsisinungaling.

TAGS: duterte, Election 2016, Faeldon, trillanes, duterte, Election 2016, Faeldon, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.