Mga guro na magtuturo sa mga lugar na ECQ may hazard pay

By Chona Yu October 07, 2021 - 05:11 PM

 

Makatatanggap ng karagdagang hazard pay ang mga guro na magtuturo sa mga eskwelahan na nasa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ito ay kung magsimula na ang limited face-to-face classes sa Nobyembre.

Ayon kay Briones, bukod pa ang hazard pay sa mga benepisyo na natatanggap ng mga guro.

“By the way, siguro dapat i-inform natin ang mga teachers at sinabi ko na iyan in other press conferences na mayroon namang extra hazard pay. In addition to, kung nasa ECQ ka na lugar, doon ka nagtuturo, mayroon pang additional COVID-19 hazard pay for the teacher,” pahayag ni Briones.

Sinabi pa ni Briones na hindi naman pabayayaan ng DepEd ang mga guro.

“Hindi naman natin pababayaan ang teacher. Dahil ang policy ng government – ma-teacher ka, ma-nurse ka, ma-police ka o ordinary citizen – kung madapuan ka ng COVID-19, hindi ka pababayaan. Ang teacher mayroong extra pay kung nasa ECQ classified LGU siya. In addition to the special hazard pay na binibigay na sa kanila ngayon. Itong lahat ay covered by law,” pahayag ni Briones.

 

 

 

TAGS: face-to-face classes, hazard pay, leonor briones, face-to-face classes, hazard pay, leonor briones

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.