Maaring maisama sa pilot face-to-face classes ang ilang eskwelahan sa Metro Manila.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ito ay kung maibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila at patuloy na bababa ang kaso ng COVID-19.
Nagkasundo na aniya ang Department of Health at Department of Education na magsagawa ng face-to-face classes kapag nasa low o minimal risk na ang Metro Manila.
Una nang sinabi ng DepEd na 59 na public schools ang magkakaroon ng face-to-face classes sa Nobyembre 15 hanggang Disyembre 22.
MOST READ
LATEST STORIES