Sen. Ping Lacson nangako na wawakasan ang mga sindikato sa loob at labas ng gobyerno

Naniniwala si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na tanging matino at malinis na pamumuno ang bubuwag sa mga sindikato sa loob at labas ng gobyerno.

Ito aniya ang kanyang papatunayan sakaling mahalal na susunod na pangulo ng bansa matapos ang paghahain nila ng kanyang runningmate na si Senate President Vicente Sotto III ng certificate of candidacy (COC).

“Kahit minsan hindi tumanggap ng suhol kapalit ang serbisyo publiko – nananatiling walang bahid ng korapsyon ang siya naming gagamiting pinakamabisang armas upang buwagin ang mga sindikato sa loob at sa labas man ng gobyerno,” sabi nito.

Dapat aniya na unahin palagi ang kapakanan ng higit na nakakaraming Filipino para maibalik ang dignidad at respeto ng sarili ng lahat.

“Kapag ang namumuno ay matino at nirerespeto, panalo ang pangkaraniwang Pilipino,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Sotto, inaalok nila ni Lacson ang kanilanhg mga sarili sa sambayanan para magamot ang mga sakit sa lipunan.

“We know the ills, we know the solution. Balance the budget, budget reform, bring the money to the people and enhance the fight against illegal drugs by more emphasis on demand reduction strategy. Victory can only be achieved through God’s grace. We choose to trust Him every step of the way,” sabi pa ni Sotto.

Read more...