Pangulong Duterte ginagamit ang makinaryang-pulitikal sa Pharmally scandal

By Jan Escosio October 07, 2021 - 08:38 AM

Inakusahan ni Senator Leila de Lima si Pangulong Duterte ng paggamit ng kanyang makinaryang-pulitikal sa mga testigo sa nabunyag na Pharmally scandal.

Pagdududa ito ni de Lima matapos bawiin ni Pharmally executive Krizle Grace Mago ang kanyang unang pag-amin sa Senate Blue Ribbon committee hearing.

Ngunit aniya ang pagbawi ni Mago ay isang desperadong hakbang na lang dahil marami na ang nabunyag sa bilyong-bilyong pisong kontrata na nakuha ng Pharmally sa Department of Budget and Management at Department of Health.

“Thus, it is, of course, not surprising that those at the wrong end of this huge exposé will attempt to throw a monkey wrench at the process. Hindi ba ganyan din nila sinubukang sabutahehin ang ilang mga pandinig sa Senado tulad ng imbestigasyon sa EJKs? Lumang tugtugin,” dagdag pa nito.

Una nang inamin ni Mago na maaring nagoyo ng Pharmally ang gobyerno kaugnay sa mga biniling COVID-19 medical supplies.

“Ngayon, kung tatangkain niyang baligtarin ang kanyang malinaw na testimonyang suportado ng ibang ebidensya, kailangan niyang patunayan na totoo ang pagbawi niya ng kaniyang testimonya,” sabi ni de Lima patukoy kay Mago.

Aniya hindi lang nakikialam si Pangulong Duterte sa mga testigo kundi ginagamit din niya ang kanyang makinarya sa pag-atake sa mga senador.

TAGS: Krizle Grace Mago, leila de lima, Pharmally, Krizle Grace Mago, leila de lima, Pharmally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.