Kabuuang 1,015,560 doses ng Pfizer vaccine laban sa COVID-19 ang dumating sa bansa kagabi.
Unang lumapag sa Cebu-Mactan International Airport ang Air Hong Kong flight LD456 para magbaba ng 76,050 doses na para sa Visayas at muli itong lumipad at lumapag sa NAIA Terminal 3 alas-8:30 at ibinaba ang 862,290 doses na para naman sa Luzon.
Ngayon umaga, ang natitirang 77,220 doses ay dadalhin naman sa Davao City sakay ng PAL flight PR 1181 at ang mga ito ay para sa Mindanao.
Ang mga bagong dating na bakuna ay bahagi ng 40 million Pfizer doses na binili ng gobyerno ngayon taon.
May nauna nang 1,989,000 Pfizer doses ang dumating na donasyon ng gobyerno ng Amerika at ang mga ito ay pinaghatian ng Visayas at Mindanao.
Sa kabuuan may 80.415 milyong doses na ang dumating sa bansa at 47,778,751 sa mga ito ang naiturok na.