Sa manipesto na inilabas ng mga gobernador, sinabi ng mga ito na naniniwala sila na may sapat ng kaalaman at karanasan si Go dahil sa naobserbahan nito ng malapitan si Pangulong Duterte.
Naniniwala din ang grupo ng mga senador na batid ng senador ang pangangailangan ng mga kani-kanilang lalawigan.
Isa din sa binanggit nila ay ang pagpapataguyod ni Go ng Malasakit Centers na malaking tulong para sa pagbibigay ng serbisyong-medikal at pangkalusugan ng mamamayan.
Nang maghain ng kanyang certificate of candidacy si Go, tiniyak nito na ipagpapatuloy niya ang lahat ng mga nasimulang programa ni Pangulong Duterte.
MOST READ
LATEST STORIES